Pages

Saturday, October 18, 2008

ako na madrama

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “a person who wants to be perfect at any cause, cannot attain perfection by any cause.”, which is my very first blog and which is a FRIENDSTER blog that was deleted a long time ago. But of course, the blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.

2 years ago, magkasama ang parents ko pumunta sa states. I don’t know if it is denial, pero feeling ko mangangapitbahay lang mga magulang ko at babalik din, gagabihin nga lang.
Actually my father came back several months mula nung umalis sila at nag-stay siya dito sa pinas.
Pero lately, umalis ulit ang ama ko, dito nagsimula ang pagiging EMO ko. (Hindi literal na emo ah!)
Araw araw sa pagsakay ko ng BUS pa-uwi galing skwela.. gusto ko umiyak. Nagdadrama ako sa tabi ng bintana, tumitingin sa mga ilaw ng building, ilaw sa kalye at ilaw ng mga sasakyan.
At first, wala lang sa kin yung ganitong sitwasyon ng life. Pero, may pero.
Malungkot.
Dito ko narealize.
Prom:
  • Kasama ko kuya ko sa sa landmark sa pagbili ng prom gown, at ang mahal ng nabili ko sa hindi sinasadyang pagkakataon.
  • Kasama ko ang besfren ko magpasalon, “ne, kaw lang pumunta dito na hindi kasama momi ah? sino kasama mo? kapatid mo?”
College:
  • Late na kame nag-enrol, as in magsasara na yung school!
  • Naghanap kame ng DORM, yung pinak–hmmm.. mapapa-hmm ka
  • Pinaka-mahirap na parte ng mag-DORM? Mag-laba.
Debut:
  • sige sariling sikap sa pagpeprepare
  • super.. HAY super ang GASTOS KO!! nakaka-guilty
*Tatay ko, nacoconscious, kase kasama ko naman daw siya sa ibang issue  at moment ng buhay ko, bakit kulang pa din, pero syempre ITAY ibang klase ng paper mo, ang ginagampanan mo, at ibang klase din naman ang ginagampanan ng INA ko.
*To think of it, someday pag nagkita kame ng nanay ko, eto yun eh:
  1. una, hindi na ako bata - hindi na ako pwede mag-pakuto (kung may kuto ako) yung tipong tulog ka na hindi pa rin tumitinag si inay.
  2. ano nga ba pangalawa? yun lang pala dahilan ko. hindi na ako bata.
–syet? kuto lang ba dahilan kaya gusto ko siya pauwiin? hindi naman siguro. siguro gusto ko lang siya maging parte ng mga moments ko. gusto ko nakikita niya ko. oy. oy. ayuko umiyak.
*sana siya na maglaba ng mga damit ko para malinis, pag labandera di marunong
*sana dito siya sa bahay para maglinis, para pakainin kame, para alagaan kame pag may sakit kame.
one time, lately lang, nilagnat ako, super crying ever ang lola niyo, kase naaalala ko nung bata pa ako, habang may lagnat, nahimatay ako at natumba ako sa sahig ng kusina, pag mulat ng mga eyes ko.. kumpleto sila, ang nanay ko, tatay ko, mga kuya ko, at tinititigan nila ako habang nakahandusay sa sahig. pero nung may sakit ako… hay.. never mind
*trabaho ba ng katulong yan? ang alagaan ang mga anak? ang pagalitan, sigawan? atupagin, mahalin?
*anong sunod? CAPPING and PINNING? sige, wala din sila.
*i mean, hindi ko naman sinasabi na kailangan nila umuwi para ako ay maligaya, but then, its like… a waste of time not being with them.
*Bakit ba kailangan yumaman? bakit kailangan malaki ang bahay? bakit kailangan maganda ang buhay? bakit dapat colored ang cellphone? Bakit nursing? bakit nakaka-kuba magcomputer buong araw?
PARA MAGING MASAYA?
ang tanong, MASAYA NGA BA?
at ito ang proposal ko sa mga magulang ko
  • Manirahan sa maliit pero pagmamay-ari na bahay.
  • May kotse (optional)
  • Mag-hanap buhay sa pinas
  • Maliit ang kita
  • Mag-aral ng simpleng course, tulad ng fine arts (o kaya advertisements, journalism, at fine arts ulit) 1,000 tuiton per sem san ka pa? di tulad ng nursing 16,000 per grading
  • Mag-sama sa hapag kainan kahit walang pagkain (ika nga ni sharon)
  • mabuhay ng simpleh.
Syempre, hindi sila papayag sa proposal ko.
Tuloy ang drama

No comments:

Post a Comment

Anong meron?