**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.
**This page right here was actually a blog post from my late blog, “a person who wants to be perfect at any cause, cannot attain perfection by any cause.”, which is my very first blog and which is a FRIENDSTER blog that was deleted a long time ago. But of course, the blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
|
tao. di perpekto. kung si superman ay lumilipad at kayang pigilan ang nahuhulog na eroplano, tayo pag tumayo sa umaandar na tren at pinigilan ito, deads. pero wait ano bang problema mo bakit mo pipigilan ang tren? epal..
may humiling ba sa atin na maging perpekto? ang naaalala ko lang na turo sa kin ng religion teacher ko, gusto lang ni Papa God na magpakabanal tayo, pero ang HOLY ba ay may konek sa perpekto? di ko sure.
di natin kailangan maging perpekto, kailangan lang natin maging tamang tao. at wag natin susumbatan ang ibang tao kung may mga bagay na di nila magawa, dahil katulad natin, sila ay tao, di perpekto.
masyado tayo nag-eexpect sa mga tao sa paligid natin na magagawa nila ang mga bagay na gusto natin na magawa nila. pero di lahat ng kaibigan magpapasensiya sa atin, di lahat ng magulang maiintindihan tayo sa nararamdaman natin, di lahat ng boyfrens ay magiging sweet katulad sa mga koreanovela, di lahat ng klasmeyt mamimigay ng papel, at di lahat ng commuters ay may pake kung masagasaan ka man ng tren.
initindihin natin na bukod sa pagiging kaibigan, magulang, boyfren, klasmeyt at kapwa tao ng mga taong inaasahan natin sa buhay natin, may iba pa silang papel sa sarili nilang buhay na dapat gampanan. at kung nagkukulang man sila sayo, intindihin mo na di ikaw ang sentro ng mundo.
baka naman tapos na ang papel na ginagampanan nila sa buhay mo, ikaw naman ang magkaroon ng panahon sa buhay nila.
kapag nagets mo na ang sinasabi ko.. masaya ako para sayo..
No comments:
Post a Comment
Anong meron?