Pages

Monday, April 23, 2007

pagsusulat…

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “a person who wants to be perfect at any cause, cannot attain perfection by any cause.”, which is my very first blog and which is a FRIENDSTER blog that was deleted a long time ago. But of course, the blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.

di ko naman talaga alam kung pano ako magiging isang WRITER. kailangan isaisip na ang bawat sasabihin ay tama or totoo. sana nga magaling ako mag-english eh. maganda talaga na english ang article. hindi lang yung mahirap o medjo mayaman makakaintindi, kundi pati na rin yung pinaka-mayaman. hindi lang puro pinoy may mga alien at foreigner din na makakarelate davah? pag-english..parang professional ang dating pang-international. yeabah.
kaso nga lang, di naman ako magaling sa english. kaso nga lang di naman ako professional. at kaso nga lang hindi naman naka-focus ang buhay ko sa pagsusulat.
marunong ako mag-english. takot lang gumamit. dahil di nga ganun kagaling. pero pwede naman matuto..anyways di lang naman sa pagsusulat ginagamit yun. kapag dumating ang panahon na magaling na ako sa right grammar at use of words..sa vocabulary … geh makakabasa na kayo ng mga article na nakakadugo ng ilong.
sa ngayon magsusulat pa rin ako ng tagalog. e sa dun ko na-eexpress ng malawak idea ko eh. actually, sabi nga ng iba…mas masarap pakinggan ang tagalog sa mga pinoy..halimbawa… i love you.. pero mas deep yung pag-express nito pag "mahal kita.,." naks..
siguro walang babasa ng mga gawa ko, walang makakapansin, walang makaka-apreciate..(drama), eh hindi ko naman pinagpipilitan ang sarili ko..gusto ko lang magsulat… gusto ko pagdating ng katandaan ko..may mababasa ako kahit isa lang sa mga gawa ko… kase ako naman talaga ang reader ng own articles ko… at masaya ako na nagsusulat..parang dumadaldal na rin.. kaso pwede ka mag-erase.. kaso hindi maingay..at less energy ang nagagamit..hehe..
inspiration ko ang mga tao sa buhay ko. dati pag-iniisip ko kung may iiyak ba pag namatay ako. unsure. pero ngayon iniisip ko ulit. hehe..tingin ko meron na. siguro ang buhay ko malapit na mapunta in total waste(total waste ba kamo..? naks), pero dahil sa pagsusulat, hindi siguro. ilang beses na nga ako gumawa ng mga diary ko at nagkwento kong pano ako magtoothbrush, pano uminom(ng tubig po…), pakiramdam ko nang tumayo ako ng kama galing sa mahabang tulog. at pagnababasa ko ulit ang mga sulat ko, nakikilala ko ang sarili ko at kung ano gusto ko sa buhay.
hindi naka-focus ang buhay ko sa pagsusulat..(nasabi ko na to kanina) pero malaking bahagi ito ng ako..kaya ngayon sobrang kontento ako sa buhay ko.. dito ko na-express ang buhay ko..dito ko nakilala sarili ko..at pag namatay ako..atleast may maiiwan ako na bakas..kahit hindi panghabang buhay.
balik tayo sa kasalukuyan. ayan tapos na ang article na toh…
***chao

No comments:

Post a Comment

Anong meron?