INDAK
by Up Dharma Down
Well, buong week kase ako LSS dito. Isa pa.. nakita ko nag-cover si Super Jaid ng song din in guitars.. kaya nainggit lang naman ako ng konti. (Inaamin ko naman na hindi kagandahan ang boses ko, nakakahiya naman kay Jaid)
Pero totoo lang na-miss ko toh, kase nung bored na bored talaga ako sa buhay ko, ito lang pinagkakaabalahan ko.
Anyway, kaya naman Indak, kase everything about the song, ganun yung nararamdaman ko ngayon... as in.. pero hindi malungkot ang love life ko ah.. actually masyadong masaya [check out the chismis on my love life sa side bar --> sa IT's ALL ABOUT US icon...]
**Tatakbo at gagalaw
Mag-iisip kung dapat bang bumitaw**
Ito lang naman eh tungkol sa work ko ngayon. I know. I am blessed. Hindi lahat nagkaka-opportunity ng ganito.. pero mga dude.. regardless yata sa kung ano man opinion ng tao.. I'm bout to quite..
**Makikinig ba ako
Sa aking isip na dati pa namang magulo?**
Yes. One week din akong ambivalent about this. Believe me.. hindi naging madali sa kin.. Kahit mukhang nadalian ako dahil sa post na toh, pero pramis.. lumuluha ako sa kakaisip anong gagawin ko. Pero ayun.. susubukan ko pa sana magdahilan bakit ako aalis sa work na toh, pero ayun.. ayuko na..kase magmumukha lang akong nagdadahilan (kunyari hindi talaga)..
Ilang araw na din akong malungkot dahil dito, pero finally sabi ko sa sarili ko hindi ako matutulog hanggang hindi ako nakakapagdecide, at yun, finally, I made up my mind.
At basta babalitaan ko na lang kayo. Pero para sa mga nakamiss muna ng trip ko... sana magustuhan niyo ang pagpiyok ko sa video na toh...
So ayun, basically, hinahandog ko din ang video na toh sa mga bestfriend ko, SUNSHOTS: Jheng, Aub and Mimay, dahil alam kong ito ang mga trip naming kanta..at malamang miss na miss ko na sila.. :)
Yun lang naman. Chao!!

ok naman ah :) Hope your decision will make you happy.
ReplyDeletebes! magbesprend talaga tayo! eto din ang themesong ng buhay ko ngayon :|
ReplyDeletegrabe tawa ko hindi dahil sa kanta mo sis kundi dun sa mga side comments mo sa sarili mo haha kulit. ok naman ah. naging comical lang dahil sa side comments. bentang benta sa akin yung part na kumakanta ka ng ako'y nalilito tapos may side comment na mukha nga. hahaha
ReplyDeletengapala ang ganda ng daliri mo sis. hihi thank you din sa instant promotion hahaha =D
Hmm big decision na idinaan sa kanta? Hehe kapag clear na ang mind mo dun ka magdecide, and whatever the outcome dapat wala kang pagsisihan. :)
ReplyDeleteok naman, medyo maingay lang sa background.
ReplyDeletenice one!
Goodluck po!
ReplyDeleteNaks! Next youtube sensation na ba? LOL